he’s the Bernie.E.S.T!!!

kung napapansin niyo, puro nanay ko lang ang nababanggit ko sa halos lahat ng posts ko dito. at ngayon, gusto ko namang ipakilala sa inyo ang isa pang taong dahilan kung bakit ako nabubuhay sa mundong ibabaw.

ang papa ko ay:  isang mabuting asawa. isa siyang responsableng ama sa aming lahat. isang matalinong guro at mabait na kaibigan sa lahat mapakanto boys man o arabo. at eto pa,  maniniwala ba kayong SAKRISTAN na siya ngayon? ang galing noh? IPINAGMAMALAKI KO TALAGA SIYA. ang ASTIG ng TATAY ko!!!

RAMDAM na RAMDAM ko na din na MAHAL na MAHAL NIYA AKO. (dati kasi hindi ko ramdam)  mahal na mahal niya kaming lahat. ahaha.

bestfriends pa kami niyan sa pagloloko sa nanay ko sa pagtago ng “batikuleng” sa ilalim ng kanin. ahaha. ka-videoke ko yan kahit pangit ang boses ko at laging napipiyok. – kumpara sa kanya na may boses.. ika nga. best buddy ko naman yan pagdating sa gadgets. at higit sa lahat, ang mukha namin parang PINAGBIYAK lang na bato.  haha. noon pareho kami ng kulay pero ngayon, tutal nasa abroad na siya syempre mas maputi na siya sa akin. ay hindi pala! maputi na talaga siya. kasama ko pa iyan sa parlor para magpaHOTOIL ng buhok at magpamanicure at pedicure.

sabay kaming haharap sa salamin at magkokompeyran ng skin color::

papa: “anak, wala ka na talagang pag-asang pumuti. tsk tsk. “

ako: “puputi rin ako!” (with all the H O P E naman na puputi pa ako)

I LOVE YOU DADDYPAPooTS!!! :) PROUD na PROUD ako sa iyo.

~ by teyki on March 8, 2009.

One Response to “he’s the Bernie.E.S.T!!!”

  1. neng may tag ako sayo

Leave a Reply