kibarrrr. kibarrrrr. :)

ano ba yan? may tag na naman. haha. hindi ko naman ito mapapasa eh, kasi wala pang masyadong kilala dito sa planetang wordpress. well. simulan na natin!

 

ang rule :

Gumawa lang kayo ng Post abawt sa mga nasakyan nyong Broom Broom, at mag kwento kung anong mga karanasan nyo sa mga nasakyan nyo.

ANG KASUMPA SUMPANG AMOY NG TAXI SA OMAN. 

nung nasa omanlandia pa ako, lagi kong nalalasap ang iba’t ibang klase ng amoy. may masarap amuyin dahil sa sobrang tamis ng pabango at may mga nakakahilong amoy dahil sa mga ibang tao dun na ewan ko kung naliligo pa ba o hindi. oh dun naman sa broom broom.  kampante ako na lahat ng lokal, mababango at may matatamis na amoy. kaya tuwing sumasakay kami ng taxi, maayos naman ang pakiramdam ng mga ilong namin. kaso, isang araw, nang sumakay kami sa isang taxi papuntang rawasco-shawarma landia, ay jusko!  ang bango naman ng taxi na sinakyan namin eh! sobrang bango na halos masuka suka ka sa loob na hindi mo alam ang gagawin mo. nakakahiya din namang ipakita dun sa lokal drayber na naiinis ka noh? syempre teritoryo nila yun. my gaaddd! basta, ang baho ang baho ang baho! buti na lang paglabas ng taxi, hindi dumikit  sa katawan ang kasumpa sumpang amoy na yun! grabe. parang pamatay ipis ang amoy. errr. HAHA.

natapos din. HAHA. asintado! jusko. hindi ko alam kung kanino ito maipapasa. basta, kung sino mang taga planeta wordpress jan at nabasa niyo to, gawin niyo na din para bongga!  para masaya. maraming salamat na din. hanggang dito na lang muna. :)

 

~ by teyki on March 21, 2009.

Leave a Reply