chill.

unang araw ng abril. pero tinatamad ako sa lahat ng bagay. natulog ako ng ala una ng umaga, nagising ako ng ala una ng hapon. ang galing noh? super tulog! oh well, andami ko kasing iniisip. pero nakasentro sa iisang bagay!

 

ANG SCREENING! bukas na malalaman kung pasok nga ba ako sa kursong kinukuha ko. susmaryosep! ninenerbyos ako sa oras na ito. hindi ako mapakali. kinakabahan ako para bukas. paano kung kwan? paano kung ganyan? paano na kung ganito? andaming tanong na hindi ko naman maintindihan. hindi ko alam kung paano ko sasagutin lahat ng tanong. kung pwede nga lang pumunta na ako sa eskwelahan ngayon at maghintay ng mga resulta.

ang hirap naman ng ganito.

~ by teyki on April 1, 2009.

Leave a Reply