wapak!
ayos! napasa ko ang unang hakbang ng kasumpa-sumpang kurso ko. phew! magpugay mga katropa!!! akalain niyo? ang laging late at clumsy-ng ako eh nakapasok pa?!!!! susmaryosep. wish ko lang mapasa ko ulit ang mga subjects ko ngayong summer. oo tama! may summer classes pa ulit kami. ang mga aaralin?! ehem
1. Phil. History with Drug Abuse and Prevention and Human Rights
2. Politics and Governance with Philippine Constitution
3. Life, Works and Writings of Dr. Jose Rizal
ang tae noh? buong summer, yan lang naman ang aaralin ko. aaralin at kailangang may gradong hindi bababa sa dos bente singko. sana talaga makayanan ko pa. ay! may isa pang balita. HINDI KO NA SILA KAKLASE. watak watak na ang 1E. haayy. 1C na ako ngayon; kasama sina dioza at ava. kami lang napunta sa section na yun. yung iba napunta sa A, B na pang-umaga katulad namen at D, E na panghapon. may mga kaklase kaming hindi na namin makikita dahil magkaiba ang sked. nakakalungkot.. sobra. pero parang okay na din yung nangyari (sa part ko). kaso nga lang mamimiss ko sila. haaay. tutal magkikita kita pa rin kami. hindi nga lang ganun kadalas.
sa lahat ng ala ala, maraming salamat 1E! hindi ko kayo malilimutan. patuloy kayong lumaban sa lahat ng pagsubok. andito lang ako para sa inyo. tira tira!!!

Leave a Reply