NEW WORLD.
New faces. New section. New seatmates. New classmates. New teachers – a whole new environment!
NEW section. No more makulit na ONE E. the sections were re-shuffled by the department. Ayaw daw kasi ng BARKADA kaya ayun. *sigh. Kakaiba talaga sila. Nakakamiss, SUPER. How I wish kami kami pa rin. On the second thought, may konting saya sa part ko na nagkahiwahiwalay kami (atlis, hindi ko na SIYA classmate). Pero syempre, naroon pa rin yung LOVE na nararamdaman ko sa ONE E. hindi naman na mawawala yun.
NEW classmates. Adjustment mode na naman. Kanya kanyang paggawa ng impressions sa mga bagong kaklase. May mga nag-aalburuto na sa sobrang inis sa isa o meron namang super nababaitan sa iba namang kaklase. Hmf. On the second thought, nagmumukha kaming OUTCAST sa grupo. Hindi pa kasi ganun ka-close ang ibang classmates. Pero hopefully, masanay na din kami. Ngayon medyo maayos naman na.
NEW teachers. We only have three teachers for this summer. Lahat sila Social Studies teachers. Mga respetadong mga guro ng institusyon, magagaling magturo, matatalino. Mabait at FAIR, OO. Pero hindi silang lahat. Isa sa kanila, KAKAIBA. Siguro sa akin lang siya ganon. Oh well, SA AKIN nga lang talaga. First meeting namin sa kanya ng BINARA BARA niya ako ng bonggang bongga. Ininterrogate ng GRABE. Well, inamin naman niya na nagging HARSH siya sa akin that time. OO! HARSH nga! CRUEL, UNKIND and INCONSIDERATE – mga nakita kong synonyms ng harsh; ganun siya sa akin! Pero hindi lang naman yun, nararamdaman ko din na iba yung tingin niya sa akin. Mula nursery hanggang ngayon na first year college na ako, siya ang PINAKAUNANG teacher na may galit na sa akin first meeting pa lang sa klase.
Masungit ako , snobbish minsan, maarte (generally, lahat naman ng babae); pero hindi ko siya pinakitaan ng mga ganung bagay. Kung sa tutuusin, ang klase niya lang lumabas ang “seryosong AKO”. Sa mga ibang klase ko, hindi ako ganun! Napakabait ko na nga lang sa klase niya tapos ganun. I can’t find reasons para magalit siya sa akin. Everytime na ginigreet ko siya sa corridor ng “HELLO MA’AM” o kaya “GOOD MORNING o GOOD AFTERNOON”, nakasimangot siya pero ako TODO SMILE pa rin. Kahit sa loob ko, super ouch un.
Hindi naman ako pwedeng bigla na lang sumuko dun sa teacher na yun. I-coconsider ko ‘to as a CHALLENGE. Mainis siya kung mainis, magalit till death, WALA AKONG PAKEALAM. Gagawin ko part ko as her student. Sabi nga nung friend ko, “mamatay rin yan sa kabaitan mo sa kanya”
I hope everything would turn out GOOD. Andyan naman SIYA lagi para sa ating lahat. Hindi NIYA tayo pababayaan.

Baka naman insecure lang siya sa’yo o kaya naman isa siyang intergalactic space alien at ikaw lamang ang makakapuksa sa kanya kaya hindi niya matgo ang pagkamuhi sa iyo. (Lalim nun ah!)
Anyways, goodluck sa pagpuksa este pagpapakabait sa klase at maayos din yan.
-iamryanm