totoong tao

Katropa, kaberks, kashot, kafriendster, friendships,  mga mare at pare, mga tol at bok, “sis” at “bro”, ”girl” at “dude” – ano man ang itawag, isa pa rin ang mangingibabaw na kahulugan,  ANG PAGKAKAIBIGAN.  

Ang pagkakaibigan raw, nagtatagal. Kaya nga may mga motto na “FRIENDS FOREVER”  o kung anu ano pa diyan. Siguro lahat ng tao naniniwala sa ganung bagay. Ako kasi, HINDI. Hindi ako naniniwala na nagtatagal ang friendship. Pansamantala lang yan para sa akin. Siguro dahil na rin sa mga experiences ko tungkol sa mga yan kaya nasasabi ko ang mga bagay na ito.

Maliban sa nanay ko, wala akong best friend o matalik na kaibigan. Iba pa rin kasi pag inay ang best friend e, hindi nakakailang. Hindi nakakahiya.  Iiyak ka sa kanya, konting sermon at magiging okay ang lahat! (alam ko, yung iba hindi mag-aagree)

 Nagkaroon ako noon ng best friend, pero nawala. Hindi siya naging totoo sa akin. Nagkamali ako sa pagpili, kaya ayun. Importante rin palang maging konting choosy sa pagpili ng kaibigan.  

Sa buong buhay ko, hindi pa ako nagkaroon ng isang kaibigan na may malakas na loob na magtanggol sa akin kung sakaling may masama mang nasasabi ang iba o kaya may mga away o gulo. Nakakatawang isipin na wala pa palang  taong nagtanggol sa akin sa tanang buhay ko (maliban na syempre sa pamilya ko). Yung iba kasi, mas lalo ka pang ipapahamak. Imbes na ipagtanggol ka, e ayun! Dinagdagan pa ang mga issues o chismis. Mga kakaiba nga namang tao oh! Anghel sa harapan, demonyo sa likuran.

 

Mula elementary hanggang high school,  andami kong naging kaaway. Pero hindi naman ako yung nangaaway. Magugulat lang ako pagpasok sa eskwelahan, may mga issues na tungkol sa akin. Mga issues na wala akong kinalaman. Bigla na lang sumabog na wala namang dahilan para sumabog.  Buti na lang, nakayanan ko lahat ng mga bagay na iyon. Ako lang lumaban sa kanilang LAHAT- mga kaibigang tinalikuran ako at mga taong judgmental.  Although, may mga tao sa likuran ko na sumusuporta daw hindi pa rin ako nag take advantage dun.  Kumbaga, inisip ko na isa yun sa mga laban  buhay. GO, FIGHT and WIN!  Nag-sosorry ako kung kinakailangan mag-sorry.   Hindi rin naman ako ma-pride na tao e.

 

Sa lahat ng napagdaanan ko noon, sino ba namang hindi magtataka na hindi nga ako naniniwala sa salitang PAGKAKAIBIGAN. Sinong hindi magtataka na wala akong best friend? Lahat naman kasi NAGBABAGO. Walang permante sa mundo maliban sa PAGBABAGO. Mahirap mag-tiwala sa mga tao. May mga totoo sa iyo ngayon, bukas hindi mo aakalaing isa na pala siya sa mga taong pilit kang binababa.  

 

Para sa akin, walang mga kaibigan. Ang meron lang, MGA TOTOONG TAO.

~ by teyki on April 24, 2009.

Leave a Reply