S O R R Y

sa buhay ng tao maraming mga hindi magagandang pangyayari. kaya naman may umiiyak, may nasasaktan. sinasadya man ito ng taong nakapaligid sa kanya o hindi.

kelan ba talaga ginagamit ang salitang “sorry”? mababawasan ba ang sakit na nararamdaman mo kapag sinabihan ka nito?

nung bata ako, laging sinasabi sa akin ng nanay ko na kapag nagsasabi ka daw ng sorry ibig sabihin hindi mo na dapat ulitin yung masamang nagawa mo sa ibang tao. tama nga naman siya. dapat nga hindi na ulitin. pero.. paano kung inulit? hindi nga lang sadya? hmmm. ewan ko.

malaking bagay kapag nasabihan ka ng sorry. isa ito sa pinakamasakit na salitang naimbento. on the second thought, nakakagaan rin sa loob kapag sinabihan ka nito. depende sa sitwasyon.

minsan, hindi natutumbasan ng sorry ang isang bagay na nakasakit sa iyo ng sobra sobra. imbes na maging okay ka, imbes na makalimutan mo yung nangyari, mas lalo ka lang nasasaktan.

andaming “magic” ang buhay. hindi pwedeng lagi kang masaya. hindi pwedeng lagi kang malungkot. hindi ka kadalasang nakapagpapasaya ng tao at hindi ka rin kadalasang nagpapalungkot ng tao. andami nga talagang twists sa buhay natin.

sana hindi na lang natutunan ng tao ang manakit. sana wala na lang PAIN sa mundo. sana lahat ng tao madaling matutunang magmahal.

at sana lahat ng SANA natutupad. =’(

~ by teyki on September 12, 2009.

Leave a Reply