umbrella, ella ella eh eh eh! =D
naulan na naman dito sa tugue. ang ginaaaww. haaaay. ang saya saya talaga pag umuulan. masarap matulog. masayang magpaulan. oh di ako emo ah? (lol) at syempre masarap kumain ng PANSIT. the best pansit ng cagayan. PRAAAMIIIS. =)
anyway, hindi pansit ang gusto kong ibida sa post na ito. kundi, PAYONG. naiinis akong magdala ng payong sa skul. mas gusto ko pang nauulanan kesa magpayong. feel kong umuwi ng bahay na basang basa. yun nga lang sobra sobra naman ang dulot sa akin neto. pag naulanan ako, kasunod nun sasakit na ulo ko, lalagnatin, magkakaroon ng sipon o ubo. pero yun nga lang hindi pa rin ako natatauhan. lumalabas pa rin akong walang payong. mas komportable pa akong mag-jacket.
ang bigat bigat kaya ng payong. hassle. dagdag pa sa bubuhatin. para namang ang init ng dugo ko sa payong na yan. hmmm. nagdadala lang ako ng payong pag feel kong magdala. at pag kokonti mga dala kong gamit. =))
oh ayun. naishare lang. bored dito sa bahay eh. walang ginawa kundi magpatugtog ng kanta ng silent sanctuary. yeah, ang adik ko!
ang non-sense ng post na to. HAHA. pasensya. =D

Leave a Reply