the hardest thing to do is the right thing to do. =)
masyadong boring ang theology para sa akin. nakakaantok. kahit anong gawin mo, kahit anong pwesto mo sa upuan, kahit ilang candy na ang nakain mo, WALA PA RIN! aantukin at aantukin ka! (patawad po sa mga theology teachers na magbabasa)
pero hindi ko naman sinasabing nakatulog na ako sa klase kong iyon. (lol) natutuwa rin naman ako sa mga jokes ng guro namin kahit minsan ubod na ng korni ang mga ito.
hindi ko alam kung anong nakain ko at ginanahan akong makinig sa kanya kanina. at take note, ako’y nasa bandang harapan pa na dati dati’y isa ako sa mga taong nasa likod. oh ayun blah blah blah. (ayoko namang ipost din dito mga itinuro niya)
hanggang sa lumabas sa bibig niya ang mga salitang ito, “THE HARDEST THING TO DO IS THE RIGHT THING TO DO..” na halos lahat naman kami sa klase ay napa- “aaawww.” kanya-kanyang dahilan kung bakit kami napasabi ng ganun.
tama nga naman si Sir! maraming bagay sa mundo ang napakamahirap gawin. minsan nagrereklamo tayo dahil sa sobrang hirap nito, hindi natin namamalayan na ito na pala yung tamang gawin, ito na pala yung “the best” na gawin.
kaya minsan, kailangan nating mag-sakripisyo ng bagay bagay para sa ikakabuti natin at ng mga taong nakapaligid sa atin. mahirap man o hindi, kung alam nating tama dapat hindi tayo natatakot harapin ang mga ito.

Leave a Reply