“anak, miss na kita..”

ilang linggo na rin mula nang umalis ang pamilya ko dito sa pinas. nung una, sobrang lungkot. hindi mo alam kung anong gagawin mo para sumaya, hindi mo alam kung papaano mo mapapasaya ang sarili mo.

ngayon, medyo okay na. nakasanayan na namang mag-isa. ang hirap nga naman maging anak ng isang OFW.

“OFW – mga bayani ng bansa.” masarap pakinggan. napakalaking advantage para sa lahat ng Pilipino, para sa buong bayan. yun nga lang, napakalaki naman ng epekto para sa mga naiwan nila. hindi mapapantayan ng kahit ano mang bagay sa mundo ang pangungulila ng isang anak sa kanyang itay o inay. o ang pangungulila ng isang magulang sa kanyang anak.

sa mga taong ang buhay ay “buhay OFW”, hindi lang ang umaalis ang nag-sasakripisyo. pati ang mga naiwan ganun rin. kumbaga, kwits lang nararamdaman.

sino ba naman kasing magulang ang gustong mawalay sa anak? sinong anak gustong mawalay sa pamilya?

lahat tayo gustong buo ang pamilya. pero yun nga lang, may mga bagay tayong kailangang isakripisyo. naniniwala akong lahat ng bagay may rason at may patutunguhan.

miss na miss ko na talaga sila. :(

~ by teyki on September 20, 2009.

Leave a Reply