bahala na..
nakaugalian na ng maraming tao ang pagsabi ng “bahala na”. yung iba, hindi nila alam kung ano ang dapat sabihin kaya mas pinipili nila itong banggitin.
naiinis ako noon sa tuwing naririnig ko ang mga salitang yon. para kasing salita ng mga taong walang gustong mangyari sa buhay. yun bang pinapabayaan na lang nila na ang tadhana ang gumawa ng mga bagay bagay sa buhay nila?
kung sabagay hindi ko rin naman sila masisisi. isa rin naman kasi sa pinakamahirap na gawin ay ang mag-desisyon. lahat tayo, nahihirapang gumawa ng mga sariling desisyon. minsan, kailangan pa talaga nating mag-isip ng sampung beses para lang malaman kung ano ang dapat gawin.
sa kabilang banda, ang interpretasyon ko sa salitang “bahala na” ay para ka lang lumilipad sa ere na hindi alam kung saan pupunta, kung anong direksyon ang tatahakin. ako kasi yung taong kailangan ng mabilisang sagot. isa sa pinakaayaw kong gawin ay yung maghintay. napakatamad kong maghintay. hindi ko kayang ma-stucked sa isang bagay na alam kong hindi naman para sa akin.
sa dami na ng nangyari sa buhay at buhay pag-ibig ko (meron nga ba? lol), naisip ko na may advantage rin pala ang pagsabi ng mga katagang yon.
may mga bagay rin palang dapat ang tadhana ang gumagawa. (naniniwala na ba ako ulit sa tadhana?) may mga bagay na ang Diyos lang ang kayang gumawa.
lahat tayo hindi alam kung anong pwedeng mangyari sa mga buhay natin sa mga susunod na araw. hindi natin alam kung kinabukasan ba kukunin na tayo sa planetang ito. kung bukas ba mananalo na tayo sa lotto. kung sa susunod na taon ba nasa Oman ulit ako? (lol) o baka naman maya maya matutupad na ang wish mo.
masakit sa loob ang makaranas ng kabiguan sa buhay. lalo na kapag umasa kang mangyayari ang gusto mong maranasan sa buhay mo.
isa sa mga pinakamasakit na gawin ay ang UMASA, maranasan mo man ito sa buhay o buhay pag-ibig mo.
di ba nga sabi nila kapag nagmamahal ka, masyado kang nasasaktan hindi dahil sa may ginawang masama at pinaiyak ka ng taong yun, kundi umasa ka lang talaga? hindi rin naman kasi maiiwasang umasa tayo. pero yun nga lang, mas okay kung nasa lugar tayo kung umasa. kapag alam ng walang magandang maidudulot, pakawalan na.
ngayon, natuto na rin akong magsabi ng “bahala na!”. sa tingin ko kasi mas safe rin kung paminsan minsan para rin tayong lumilipad sa ere katulad ng saranggola na hindi alam kung saang puno babagsak o sasabit kapag masyado ng malakas ang hangin. maganda man o pangit ang punong yon, sa huli matutunan rin naman nating tanggapin at mahalin ito.

aileen likes this;)
(ano toh facebook?LOL)
actually, super tama kz ung mga cnb mo sa huli,
isa sa mga kaugaliang gngwa ng mga tao ay umasa…
kya mas lalo clang nsa2ktan…(tulad q nuon haha)
natuwa naman ako sa una mong sentence. lol. oh tama. masakit umasa. andaming masakit na pangyayari sa mundo. wala tayong mggwa. eh ganun eh!
hehe bti nmn ntuwa ikaw;)
oo tma ka kei….gnun kz tlga:)
you got the writing talent lil lady, so cool. if you wish to put up a .com i am willing to lend some help
talaga po? matagal ko ng pangarap magkaroon. haha! pero paano?