one in a million.
gaano mo pinapahalagahan ang mga tao o bagay na umiikot sa mundo mo? gaano sila kahalaga sa iyo at paano mo ipinaparamdam na “special” o mahalaga sila para sa iyo?
“paano mo masasabing special ka sa isang tao kung lahat ng ginagawa niya sa iyo eh ginagawa niya rin sa iba?”- bob ong. ilang beses ko na itong natanggap at ilang beses na rin itong nai-gm sa akin. at hanggang ngayon hindi ko pa rin talaga alam kung anong dapat isagot.
paano nga ba?
pare-pareho tayong TAO na nabubuhay sa iisang planeta. bawat isa sa atin, iba’t-iba ang pananaw sa buhay. iba’t-iba rin ang pagtrato sa mga taong nakapaligid sa atin. may sarili tayong paraan kung paano o ano ang dapat gawin sa mga mahal natin sa buhay.
may isang taong nagsabi sa akin noon na special ako sa kanya. sino ba namang hindi matutuwa db? pero nawala yung tuwa ng nalaman kong bukod sa pamilya niya at ako, yung isa rin pala special pa rin sa kanya. parang ang ewan hindi ko maintindihan. selfish ba ako? EWAN.
ang pagiging special parang pansit lang. yung SPECIAL PANCIT dito sa amin, yun yung may pinakamaraming rekado. dun ibinubuhos lahat ng masasarap na toppings. chicharon, itlog, giniling, maraming gulay. hotdog o minsan may sausage pa. kaya naman busog na busog kapag nakakain ka nito. yun nga lang may kanya kanya tayong panlasa. nasa panlasa na ng tao kung masarap ba yung pancit o hindi. kahit naman saang panciteria ka mapadpad, lahat may special pancit db? para sa mga nagluluto, masarap yon. kasi ibinigay nila yung best nila para maging masarap yung pagkain. kaso sa huli nasa tao pa rin talaga yung final judgment kung masarap ba talaga o may kulang pa sa pancit.
ang pagluluto ng special na pancit ay para lang ding pagtatrato natin sa mga taong special at may mahalagang parte sa buhay natin. sa kanila natin ibinubuhos lahat lahat ng kaya nating ibigay.busog na busog rin sila lahat ng rekado na kaya nating ibuhos – love, care atbp. parang sa pancit, nasa tao rin yung final judgement. busugin man natin sila, ibinigay mo na yung best mo, lahat ginawa mo na kaso para sa kanila may kulang o di kaya sobra sobra kaya hindi nila nagustuhan. pipiliin pa ba nating lutuin ulit para lang maging maayos sa panlasa nila? paano kung niluto mo at ganun pa rin yung resulta? isusuko mo na ba lahat?
gaya nga ng lagi kong sinasabi, kung alam mong wala na at alam mong oras na para itigil. pakawalan o itigil na. napakadaling sabihin noh? pero kapag ginawa mo? sobrang hirap. feeling mo matagal pa para iayos ulit ang sarili mo.
sa huli, kapag nabigo ka na makuha yung loob nung taong yon, ang pinakamagandang gawin ay TANGGAPIN ito. hindi ka naman pwedeng mamilit. mas mahihirapan kapag nagkataon. kung hindi ka special sa kanya, edi hinde! hop. bitter.
sadyang may mga bagay na hanggang dun na lang talaga..

ganda…naka-relate ako! tama ka minsan akala natin naibigay na natin ang lahat pero para sa taong pinagbigyan natin kulang pa pala!
natutuhan ko sa love “Never love with your heart, it only ends in aching!”
Correction…hehe! “Never LOVE with all your HEART, it only ends in ACHING!”