big D R E A M S
ang buhay nga naman OO! napakaraming pagsubok. hindi lang marami, mahirap at masakit pa sa ulo. sobrang hirap ng kursong kinukuha ko ngayon at hindi ko alam kung maipapasa ko ba ito o hindi.
kinakabahan, naiiyak at iba’t iba pang emosyon ang nararamdaman ko ngayon. sobrang crossed fingers na ako na hanggang sa maputol na ang mga daliri ko. hindi exaggeration yon ah! (lol)
kung minsan gusto ko na talagang bumitiw. gusto ko ng ihinto ang pagkuha ng kursong yon. pero kapag naiisip ko naman ang nga bagay na ito, aba’y nalulungkot din ako. marami akong plano. maraming mga pangarap. oo, libreng mangarap pero hindi naman pwedeng hanggang salita lang tayo. kailangan din ng aksyon o gawa na galing sa atin. at lahat ng yon dapat pinaghihirapan ng husto.
at dahil sa mga pangarap na tumatakbo sa utak ko, natututo akong lumaban at nangangakong hindi bibitiw. kailangan ko tong gawin para sa sarili ko at lalo na sa pamilya ko.
sa ngayon, patuloy akong lumalaban sa mga pagsubok na dumarating sa buhay ko. lalo na sa pag-aaral. kakaiba kasi ang sistema sa eskwelahang pinapasukan ko. sana’y makapasa ako pati na ang mga kaklase at ka-departamento ko.
SANA SANA SANA… (Lord, please)

Leave a Reply