tara na’t tumambay na lang..
nagising ng late kanina, kumain ng kumain, nanood ng kung anong merong DVD sa cabinet na puro love stories naman. sows! haaay. sadyang nakakabaliw pala kapag wala kang ginagawa. wala kang maisip gawin. tunganga lang, higa lang, kain, tulog. tulog. tulog. tulog.
ang pangit sa pakiramdam. mapapaisip ka ng kung anu-ano. bigla ka na lang tatawa. bigla ka na lang maiiyak. parang ewan. andami dami kong iniisip ngayon. pamilya ko, pag-aaral, sila at siya. kung pwede lang sana gusto kong pumunta sa lugar na ‘to..

isa itong lugar sa baryo kung saan kami tumatambay sa tuwing pumupunta kami rito. sariwang hangin, tahimik na lugar, hindi mainit dahil sa tulong ng mga puno. dito rin ginaganap ang mga inuman sessions, asaran moments, tawanan na walang kapantay, paglalaro ng kards mapa tong-its, pusoy dos o kung ano pang swak sa panlasa ng tatay at mga tiyo at tiya ko.
masaya tumabay rito. nakapagiisip ka ng mabuti. mga problema mo dalhin mo dito, pag alis mo may solusyon ka na agad. kaya nga gusto kong pumunta rito ulet. namiss ko lang yung lugar. at pati na rin yung mga taong kasama kong tumambay diyan. (i’m sure miss na rin nila yan)
sa sobrang dami ng iniisip natin sa araw araw na ginawa ng Diyos, minsan mas magandang tumambay na lang muna at magpahinga.

Leave a Reply