Gusto ko lang i-share sa inyo ang short film na ito na napanood ko sa youtube kanina kanina lang. Makatotohanang kwento nga naman talaga. Ramdam na ramdam ko habang pinapanood ang bawat eksena. Napagdaanan ko na rin kasi ang mga katulad ng napagdaanan ng dalawang bida ng pelikula. Pagkakaiba nga lang, walang balikan na naganap. Dahil daw wala ng pagmamahal na nararamdaman..
Sabi ng bidang babae, “It doesn’t mean that when you don’t feel anything the love is gone..” Tama nga naman. Hindi naman talaga ganun kadaling mawala na lang parang bula ang pagmamahal mo sa isang tao. Kahit anong pilit mo, kahit sabihin mong ayaw mo na dahil hindi na tama, kahit ilang beses mong piliting magmahal talaga wala pa rin. Sa huli, pipiliin mo pa ring mahalin yung taong nanira ng depinisyon ng pag-ibig sa’yo. Katangahan strikes ba ito?
Paano mo nga ba masasabing wala ka ng nararamdaman para sa isang tao? Paano mo kaya malalamang wala na talaga at kailangan mo ng tumigil?
May isang tao akong kilala. Napakastrong niyang tao. Marami akong natutunan sa kanya. Mula ng dumating siya, andami ng nagbago sa akin, mula sa pagiisip hanggang sa mga pananaw ko sa buhay at pag-ibig. Siya ang nagturo sa aking maniwala ako sa sarili kong kakayahan. Naging isa siya sa mga rason dati kung bakit ako patuloy na nagsusulat dito. Malaki rin ang pasasalamat ko sa kanya. Sa kabilang banda, nakita at naramdaman ko kung paano siya nagmahal. Pero sa tingin ko, hindi siya katulad ng karamihan na sasangayon na kapag wala ka ng nararamdaman hindi ibig sabihin na hindi mo na mahal ang isang tao. Dahil para sa kanya, napakadali lang para sabihin ang mga salitang “Wala na akong nararamdamang pagmamahal..” Magkakaiba nga talaga ang personalidad ng mga tao.
At gusto ko pang idugtong dito kahit wala naman atang sense.. Lahat ng tao nagbabago. At lahat sila umaalis. Merong hindi na talaga babalik sa’yo. Meron rin namang kahit anong mangyari babalik at babalikan ka. By Chance nga naman talaga..
hahha .. nakarelate ako sa post mo …
my recent posts in my blog tackles about moving on.
Another chapter ends kaya excited n ko sa pagbubukas ng bagong chapter ng buhay ko
Buti ka pa excited. Ako natatakot ng magbukas ng bagong chapter sa buhay ko. Alam mo na, baka masaktan ako ulit. At baka pag nangyari yun, hindi ko na kayanin.
Pero… Keri lang din!
keri mo yan ..
ganun tlga ang buhay eh ..wehehe..
keepsafe.
Tama. Maraming salamat!