Hindi ko alam kung may napanaginipan ba ako o anong nangyari at pagkagising ko kaninang umaga, nakangiti na lang din ako bigla. Hindi naman ako in-love. Hindi naman na rin siya nagtetext. Wala naman akong nakitang balloons sa kisame. Wala naman akong katabing t-shirt na superman. Wala naman ring cake sa table. Hindi naman ako nakakita ng unggoy. Wala namang number 14 sa dingding namin. Pero, nakangiti lang din ako ng ilang minuto bago bumangon. HAHA. =) Nababaliw na ba ako? E mukhang hindi naman.
Siguro, kung may mga taong nagtataka kung bakit feeling nila malungkot sila na hindi naman alam kung anong rason, ako naman yung kabaliktaran nun. Nakangiti ako at pakiramdam ko ako ang pinakamasayang tao kanina na hindi ko alam ang rason. Napaisip ako.. Siguro, nakamove on na ako sa mga bagay bagay. Siguro, tanggap ko na ng husto kung bakit (….) Siguro nga, handa na akong kumilala pa ng ibang taong nagpaparamdam. Baka siguro, nahanap ko na yung sarili ko.
Masayang isipin na pagkatapos ng lahat ng nangyari, masasabi kong okay na ako ngayon at natutunan kong mag-let go. Kaya ngayon, ready na akong magsulat ng panibagong chapter sa libro ko sa mundong ‘to..
Alam kong maraming pagbabago ang mangyayari, pero kahit kelan hinding hindi kita makakalimutan.. =)