Simple lang naman ang gusto ko nung bata pa ako e. Ang maging isang doktor. At parang lahat naman ng bata pangarap o ambisyon din yun sa buhay. Kapag yun kasi ang isinasagot sa mga titser na nagtatanong kung ano ang gusto ng isang bata paglaki, madali lang magbigay ng rason. Simpleng pagsabi lang ng, “Kasi po titser gusto ko pong makatulong sa mga may sakit at mahihirap..” Sa ganung sagot, bilib na bilib naman na ang titser mo. Mataas na grado mo sa recitation o di kaya lalagyan ka ng star ng titser mo sa kamay at tuwang tuwa ka namang ipakita sa nanay mong naglalaba. Tama ba ako?
Habang nilalakbay ko ang pagiging buhay estudyante ko, nasa isip ko pa din ang pag-aaral ng medicine kapag ako’y magkokolehiyo. Pero isang araw, nagising na lang ako na iba na ang gusto ko. Sobra kong idol ang mga magulang ko, kaya naman gusto kong mag-aral ng Information and Technology o IT. Masyado ko rin kasing mahal ang mga computers at iba pang mga gadgets diyan. Basta lahat ng may koneksyon sa technology gusto kong pag-aralan. Yun nga lang, kahit na gusto ko yun, mas pinili kong kunin ang pambansang kurso, ang nursing. Sa parteng ito, ang masasabi ko na lang ay ang isa sa pinakasikat na kataga sa mundo, “MOTHER KNOWS BEST”..
Pero sa kabilang banda, nagpapasalamat pa rin ako at ang kasalukuyan kong kurso ang pinili ko. Bukod sa toxic at magastos, masaya at maraming matututunan sa pag-aaral ng nursing.
At bumabalik ang utak ko sa IT. Gusto kong matuto pa ng napakarami tungkol sa technology. Gusto kong maging web designer. Gusto kong maging magaling na photo editor. Minsan pa nga pumapasok sa utak ko ang mag-aral ng photography. At nung nakaraang buwan, nasabi ko na ring gusto kong mag-aral ng medicine. Pero naisip ko ulet, parang andami ko naman ng gustong gawin. Kailangan ko talagang pag-isipan kung saan ako dadaan.
Sa totoo lang, hindi ko pa talaga alam kung ano ang trip o ruta ng buhay ko. Napakatagal na rin akong nagiisip kung ano ba talaga ang gusto ko. Pero sabi nga naman ng tatay ko sa akin noon, “Kailangan mo munang mag-focus kung nasaan ka ngayon. Kapag natapos mo na, gawin mo na lahat ng gusto mong gawin..”
hindi ako isandaang porsyentong naniniwala sa sinabi ng tatay mo… dahil kung hindi talaga yan ang gusto mo, dadating at dadating ang panahon na lilihis ka ng landas sa mundong sadyang inihulma mo o ng ibang tao para sa yo, masasayang lang ang lahat ng pagod at panahon mo..
pero nasa iyo naman yan.. madami tayong ganyan sa mundo..
sapagkat sa bandang huli ang magiging basehan ng desisyon mo e dito lang din babagsak, “career ba o pera?”