maitopic nga ang TADHANA..

•September 10, 2009 • Leave a Comment

“tadhana ko si dom”

“tadhana para sa akin yung hindi mo pa siya nakikilala pero nakikita mo siya. at alam mong mahal mo siya.”

“”tadhana.. hmm? meron bang ganun?”

“destiny is spelled as D-E-S-T-I-N-Y! DESTINY!”

“pakinggan mo na lang ‘kundiman’ tutal mahilig ka naman sa SilentSanctuary.”

“ah? tadhana? kapalaran. fate… LOVE”

“nako kuki. i’m too young for those things.. hehe”

“destiny is sealed account of things meant to happen to an individual, i think? haha”

“destiny. something you can’t control. downside, pwedeng escape lang ito dahilan para umasa tayo sa mga bagay na hindi tayo sigurado kung pwede pa. on the other hand, pwedeng rason ito para mabuhayan tayo, to keep us going kasi alam nating may chance pa. kahit 1% lang yun, atleast meron pa. after all, no one knows what will happen in the future.. *bow*”

 

mga nakuha kong sagot kani-kanina lang gamit ang mahiwagang GM. alam ko,  wala pa ako sa tamang edad para magsulat ng mga ganitong bagay. pero masasabi kong naranasan ko na. teka, naranasan ko na nga ba talaga? ooopps.

masyadong maraming pumapasok sa utak ko for this past few days kaya naman masyado ring nakakaloka ang mga pinagsusulat ko rito. hindi ko alam kung ano pa magiging reaksyon ng mga magulang at kapatid ko pag nabasa nila to. oh well. bahala na. (lol)

andaming depinisyon ng tadhana. iba’t ibang pananaw galing rin sa iba’t ibang tao. ako, hindi ko kayang idefine ang tadhana. mapapatanong na lang ako sa sarili ko na parang “yung tatay at nanay ko kaya nagkatuluyan dahil sa tadhana na yun?”. andaming nangyari sa buhay ko na may koneksyon rito. kung maikkwento ko siguro yun sa mga taong malapit sa akin baka mabatukan o masigawan pa ako. haha. =)

may mga ups and downs ang isang relationship. hindi laging smooth katulad nga ng sabi ng c.i namin. pero, kapag nagkakaroon ba ng gulo, tadhana nga ba ang isa sa mga rason kung bakit sila nagkakabalikan?

naniniwala ako na lahat ng bagay nangyayari sa tamang panahon, sa tamang oras. kung kayo, KAYO. kung hindi kayo, eh di hindi kayo. malay mo SOMEDAY maging kayo. sadyang maraming kaechosan ang buhay. may cheverloo, cheverlalala at madami pang iba.

andami kong tanong para sa sarili ko. ang gulo kasi. siguro darating rin yung oras na masasagot ko na mga tanong na yun. blah blah blah..

na na na! :p

•September 9, 2009 • 8 Comments

isa sa mga pinakakinaaadikan ko eh ang musika. :) mga kanta. yun nga lang pagdating sa mga instrumento, pasulyap lang ang alam ko. marunong akong mag-piano pero hindi magaling. alam ko lang naman magbasa ng mga nota pero hindi pa ako nakakatugtog ng buong kanta. marunong din akong mag-gitara pero pasulyap nga lang. konting chords lang ang alam ko.

kaya naman sa isang bagay na lang ako nakatuon ngayon. ang..

DSC01972

DSC01971

DSC01970

makinig ng makinig sa iPod. walang kailangang kalabitin, walang kailangang i-master na chords o mga nota. ang kailangan lang makinig at damhin ang kanta. sa lahat ng mga gamit ko, itong iPod ang pinakaimportante sa akin. kahit mawala na phone ko ayos lang basta may iPod at facebook. o bat napasok ang fesbuk dito? hahaha!

makikita niyo sa mga letrato na gustong gusto ko ang SILENT SANCTUARY. wah! my favorite band. =) kahit na pitong kanta lang nila ang meron sa akin. ang sarap sa tenga ng mga kanta nila. sweet hindi selfish. bawat kanta nila nagpapahiwatig na hindi mahirap magmahal at lahat ng bagay may rason kaya hindi naiiwasang hindi masaktan..

bawat tao may sariling kanta. at bawat tao, may pinaglalaanan ng kanta.

may ginagawa akong kanta ngayon. kaso wala pang tono. hindi pa talaga buo.. pero pinapangako kong ipopost ko rito kapag nabuo ko na after 10 years! hahaha. matatagalan pa malamang. pero sana talaga matapos ko na. :)

isang taon na palaaaa!

•September 7, 2009 • 4 Comments

my first post.

oh ano, musta?

{ August 30, 2008 @ 3:13 pm } · { Uncategorized }

hahaayy. pangalawang blog site ko na ‘to. napagtanto ko kasi na pangit pala ang blogspot (makata).

eh ganon, wala akong maisip. algebra lang tumatakbo sa utak ko. last day ng midterms bukas. puro bigatin pa mga subjects. algebra, biology at psychology. oh db? san ka pa. nyaha.

kumusta ka naman? sana okay ka.

may new found friend ako. yeyes! nagkita kami kanina sa greenwich. a louisian girl taking up financial management. ayun, mabait naman. hindi kasi umiimik. ngumiti lang. but, i can see that she’s nice. hindi nga lang kami nakapagusap nang husto. paano ba naman kasi, kasama ko ang tropa ko. natural nagtawanan nanaman kami sa mga bagay na walang kwenta. haha.

gusto ko ng lumipad papunta dun!

 

at ngayon meron ng 56 posts si teyki. WAAAAHHH! August 30 pa pala nag-birthday tong blogsite ko! nakakainis at nakalimutan ko. pero ang saya saya kasi one year na tong ‘aiyshkriim’ sa akin. at one year na rin pala akong blogger. natutuwa naman ako. haha.

anyway, maraming maraming salamat sa mga taong sumuporta, nagbasa ng mga kakulitan at kadramahan ko sa blog na ito at pati na rin sa mga nagsabing magaling akong magsulat kahit hanggang ngayon hindi pa rin ako naniniwala sa inyo.   sa mga nagpataas sa stats ko at  kay tiyo KULOT na nagbigay sa akin ng ideya para mag-blog. SALAMAT PO. :D

 

lalo na sa Kanya na nagbigay sa akin ng wisdom. at syempre pati na rin sa mga taong nagbigay at nagbibigay pa rin sa akin ng inspirasyon para magsulat..

- t e y k i

cellphone

•September 6, 2009 • Leave a Comment

pang-tawag, pang-GM o group message, ginagamit bilang iPod o mp3, ginagamit rin bilang alarm clock, “picture picture” at higit sa lahat gingamit ang cellphone pang-text. simbolo ito ng komunikasyon lalo na sa mga taong malayo sa kanilang mga mahal sa buhay.

naisip kong ikonek ang cellphone sa LONG DISTANCE RELATIONSHIP o mas sikat sa tawag na “LDR”.. cellphone kasi madalas na nagagamit ng mga taong nasa ganitong sitwasyon.

LDR – malayo sa minamahal. malayo sa karelasyon. :)

may mga cases na nagkahiwalay saglit dahil sa mga bagay bagay katulad ng pag-aaral sa ibang lugar o baka lumipat ng bahay. at may mga cases naman na nagkakilala lang sa isang website, chatroom, text text o kung anu-ano pa, tapos biglang nagmahalan na. nakakatawa. nakukuhang mahalin ng isang tao ang taong hindi pa niya nakikita, hindi pa nakikilala ng husto. parang imposible pero nangyayari pala sa totoong buhay.

“mahirap, nakakatakot, magastos, nakakapuyat, at higit sa lahat PAINFUL ang LDR”- sabi ko at sabi nila. sa una, pareho kayong magsasabing “kaya natin ‘to” ,”nariyan naman si tadhana” at kumpormeng kaechosan. tapos may isang mapapagod o magsasawa na kasi nahihirapan na sa sitwasyon. yung isa naman ayaw mag-let go. ayaw mag-move on.

andaming what if’s. sa dami ng taong bingyan ko ng pieces of advice tungkol sa bagay na ‘to, ang pinakamahirap na tanong na naibato sa akin eh “paano kung hindi ko pala siya ni-let go mas magiging okay kami? mas magiging strong yung relationship?” WHOA! paano nga ba kung ganun ang mangyayari? well i guess, hindi naman natin malalaman kung hindi susubukan..

ay ewan. basta, AS LONG AS YOU’RE HAPPY, FOLLOW YOUR HEART AND GO WITH THE FLOW…

t s i n e l a s

•September 1, 2009 • 5 Comments

bawat tao naghahangad ng tunay na pagmamahal. yung iba naghahanap ng tamang taong makakasama nila habang buhay. yung iba naman, tumatambay na lang at pinapabayaan ang “tadhana” na magbigay sa kanila ng taong makakapagparamdam sa kanila ng walang katulad na pag-ibig.

katumbas ng isang tsinelas ang isang tao. yung isang tsinelas suot ng mga taong nagmamahal sa kanya. mga taong minamahal niya rin at mga dahilan kung bakit “buo” siya bilang SIYA. diyan nabubuo ang isang pares na TSINELAS.

masasabi mo bang makakapaglakad ka ng maayos kung hindi mo suot ang isa mong tsinelas? masasabi mo bang mailalakad mo ng maayos ang buhay mo kung wala ang mga taong nagmamahal sa iyo?

ang mga taong nagmamahal ng husto sa kanilang tsinelas, masira man ito inaayos agad. itinatahi, nilalagyan ng rugby o di kaya mighty bond o kahit ano pang bagay na pwedeng mag-ayos sa sira nito. kung sabagay, sayang nga naman kung bibili pa lalo na’t alam mong pwede pa namang gamitin.

katulad na lang ng mga mag-asawa o mag-nobyong ipinaglalaban ang nararamdaman sa isa’t isa. magkaroon man ng away sa pagitan nila, pagkatapos nun pilit nilang inaayos ang di pagkakaintindhan hanggang sa maging okay sila. walang bumibitiw dahil may mga inaalalang mga bagay bagay. hindi nila kayang iwanan ang isa’t isa dahil sa isang rason, LOVE o pag-ibig.

nakakatuwang isipin na ang isang katulad ko na wala masyadong experience sa love ang nagsusulat ng mga ganitong bagay. andami kasing pumapasok sa utak ko. wala naman akong mapagsabihan kaya mas magandang isulat na lang. at syempre nababasa niyo na ngayon. haha!

ako, suot ko yung isang kapares ng tsinelas ko. yung isang kapares naman suot suot ng pamilya ko, ng mga kaibigan ko at ibang taong nagmamahal sa akin. :)

ikaw? nailalakad mo ba ng maayos ang mga paa mo gamit ang tsinelas?

back to normal…

•August 26, 2009 • 1 Comment

nasa van pa lang tumutulo na luha ko.. nakikita ko na mga sasakyang yun. how i wish i could stop the time at that very moment.. lumuluha na rin mga lola ko and others. non-stop pagiyak ko nun. ohwell, lagi naman akong ganun kapag may umaalis. mahirap kasing iniiwanan ka. kahit alam mong para yun sa kabutihan ng bawat isa.

sabi ni teyko, mas mahirap din daw kapag ikaw ang umaalis. mas masakit sa parte ng taong aalis kasi may mga naiiwanan siya. well.. i agree. kasi ganun din naman narararamdaman ko kapag may naiiwanan akong mga tao. mga special na tao.

ang tahimik ng bahay. sobrang nakakapanibago. walang humahalik sakin pagdating ko. ahaha. ganun si kaikia eh.. ayokong umiyak. hindi dahil ayokong mag-eyeglasses na naman bukas para di mahalata ang mga eyebugs. kundi dahil, nagpapakastrong na ako ngayon. haha. makikita ko din naman sila after 3months. tsaka naiintindihan ko naman kung bakit kailangan naming magkalayo..

paps, ma, sissys.. see you after three months! i miss you so much!

i love you.

bakit hindi pwedeng i-rewind?

•August 23, 2009 • Leave a Comment

bakit hindi pwedeng ibalik yung mga nangyari na? bakit hindi pwedeng parang pelikula ang buhay? bakit walang time machine para pwedeng ibalik yung mga oras o araw kung kelan ka masaya? bakit andaming imposible? hahaaaay buhay.

last month, dumating ang pamilya ko dito sa Pinas. nung una, nakakapanibago. biglang sumaya ang bawat haligi ng bahay namin. lumiwanag. at syempre ang saya saya ko. ikaw ba naman maiwanan dito sa Pinas tas lahat sila naroon?

andaming nangyari. may katabi kang makukulit sa pagtulog, may kasabay kang kumain tuwing chibugan time, may kaagawan ka ng pagkain lalo na ang embutido! salap. haha. mga shot times with papa and mga tito dudes and cousins na nakakagulat at binibigyan na rin ako ng bote ngayon. party every weekend. kumpleto lahat. tawanan. kainan. wooohooo! dalawang buwan ding naging ganito ang sistema ko.

hanggang sa.. may umalis ng dalawa. disyerto rin patutunguhan. nabawasan na. tapos sa darating na martes, pamilya ko na rin ang magbuhbaBYE.

paano na naman kaya ako makakarecover agad sa pag-alis nila? ako na naman iiyak sa terminal? sows! haha. di bale, tatlong buwan lang yun. TATLONG BUWAN! isipin ko na lang parang tatlong linggo. para di masyadong nakakalungkot. para di ako masyadong nagddrama. haha.

sana parang pelikula na lang ang buhay. pwedeng i-rewind kapag gusto mong ibalik sa mga happy times at pwedeng i-forward kapag ayaw makaramdam ng pain o kung ano pang sad moments.

live. love. laugh

•August 21, 2009 • Leave a Comment

nagkalat ang mga kowts na ganyan ngayon. mapa-shoutout, group messages o mas sikat na “GM” at iba pa.

at dahil walang magawa, gusto kong i-share ang sarili kong pananaw sa bawat “L”.

L I V E

hindi live na iwanan yan ah. leave yun eh. HAHA. okay, LIVE! paano nga ba mabuhay? sabi ng iba mahirap daw mabuhay. mahirap nga naman talaga. hindi mo alam kung ano mangyayari sa iyo sa mga susunod na araw. baka biglang matigok ng wala sa oras. *crossed fingers* wag naman sana. AKO, nakukuha ko pang mabuhay dahil sa mga taong nararamdaman kong nagmamahal sa akin at dahil sa mga taong mahal ko. AAW. haha. pero yun ang alam kong dahilan kung bakit nabubuhay pa ang mga taong gusto ng sumuko sa laban.

alam niyo naman siguro ibig sabihin ng “pagsubok”? challenges sa wikang ingles. oh yun. nasa sa atin naman na kung magpapatalo tayo sa mga pagsubok na ibinibigay sa atin ng Diyos. lessons lang ang mga ito para matuto tayo. seh. haha.

L O V E

“sometimes, love comes around. and it’ll knock you down.. na na na!” – knock you down by keri hilson. tama ba lyrics? think so. hahaha. oh yun. lalalaLOVE! eh malas ako dito eh. sows! pero pagdating naman sa pagmamahal ng pamilya, sineswerte ako ng bonggang bongga! pati friends syempre. pero pagdating sa churva’s eh wala nga talaga. meron pero ayoko. gusto ko pero ayaw. naman! hindi lang siguro ngayon yung right time. TADHANA?? ah-oh. i don’t believe in destiny. people make their own decisions and choices. dati, i do believe. pero something happened, blah blah blah.

wala na naman akong love life. kakatapos lang ng “emo” mode ko. ngayon, start na naman sa pagmomold ng bagong ako after nung period na yun. hahaha. sa kabilang banda, hindi naman ako lugi eh. andyan ang family at friends. they always make me feel COMPLETE.

L A U G H

sa dami ng problema ng tao ngayon; mawalan ng pera, bumagsak sa exams, nagmahal ng kapwa babae o kapwa lalaki, walang makain, hindi tumataba, hindi pumapayat, walang pamasahe pauwi, walang kaibigan, namatayan ng kapamilya o kapuso at kung anu- ano pa, hindi na nakukuha ng ibang tumawa. yung iba dinadaan lagi sa alak! ehem! hahaha. wala na ngang hanapbuhay mga bisyo pa ang iniintindi.

naniniwala akong ang bawat problema ay may katumbas na solusyon. wala namang problemang hindi nalulutas ah. hindi man agad agad pero may mga ways para malutas talaga ang mga problema. yung iba dinidibdib masyado at nagpapakamatay. bad yun. haha.

dapat laging KALMADO. chillax. akala mo naman kung sino ako magsalita eh panikera ako. hahaha.

itawa lang ng itawa. di ba nga LAUGHTER is the BEST MEDICINE?? :D

**

habang isinusulat ko ‘to, isang tao lang nasa isip ko. :)

ako’y nagbabalik.

•August 18, 2009 • Leave a Comment

ilang buwan ang nakalipas ng mawala ako sa mundong wordpress. ngayon ako’y nagbabalik para mangulit ulet.

HELLO WORLD! i’m back!!! haha.

aaminin kong kasalanan ng PLURK dot com kaya ako nawala rito. haha. pero ayun, andaming nangyari. kaya heto. (parang ang nonsense naman na ng mga pinagsasabi ko rito.) basta importante andito ulit ako. mas masayang magsulat ng blog kesa magplurk. aaw. bitter.

:D

you’re my number ONE :)

•May 3, 2009 • Leave a Comment

“Because you love me for who I am, I’ll always love you.. MOM!”

Maligayang Kaarawan Mama! Araw-araw akong nagpapasalamat na naging ina at best friend kita. Maraming maraming salamat sa pagmamahal at pag-aaruga. Kahit malayo ka sa tabi ko, ramdam na ramdam ko pa rin na mahal mo ako. PROUD NA PROUD ako sa iyo! Andito lang ako lagi. Lahat kaya kong gawin para sa iyo, alam mo yan.

I LOVE YOU MAMA!

 

(maraming gustong sabihin na hindi maisulat :) )